Una sa Balita

Eric Quizon sumuko sa pagdi-direk!

0 69

Inamin ni Eric Quizon na sobra siyang napagod sa pagdirek noon ng ABS-CBN teleserye na Pasion de Amor.

Kaya nagbakasyon muna siya at gusto niyang umarte naman muna at huwag munang magdirek ng teleserye.

“I really got tired directing. Kaya gusto ko munang umarte ako.

“Ako naman ang ididirek for a change. Pahinga muna ako sa director’s chair,” diin pa niya.

Kaya ang comeback acting ni Eric ay ang pelikulang That Thing Called Tanga Na kunsaan gaganap siya bilang isang gay lawyer.

Hindi na raw bago kay Eric ang gumanap na bading dahil ilang beses na niyang ginawa ito, mapa-comedy man o drama.

“It’s always a pleasure being directed by Joel Lamangan.

“I’ve worked with him sa mga gay roles na ginawa ko like Pusong Mamon and So Happy Together.

“When Direk Joel asked me if I want to play the role of Papa Chu in the movie, I could not say no to him. I know how good he is as a director at alam kong lalabas na masaya ang movie,” ngiti pa niya.

Tungkol nga sa iba’t ibang klaseng mga ba­ding na nagmamahal ang kuwento ng That Thing Called Tanga Na. Marami na ngang nakatrabaho si Eric sa industriya na mga bading at hanga siya kung paano magmahal ang mga ito kahit minsan ay nasasaktan na sila.

“I guess ganyan ang mga passionate na mga tao. Kahit na masakit, they still go on with it hanggang sa sila na ang mag-give up.

“I’ve been in this business for so many years and I’ve worked with the most creative and most ta­lented gay people. I see how they work hard at kung gaano sila magtrabaho ay gano’n din sila magmahal.

“We just have to respect their feelings. Iba sila makipagkaibigan. Kapag friend ka ng mga beki, ipag­lalaban ka ng mga ‘yan ng patayan. Just like the way they love. Ipaglalaban nila hanggang sa bandang huli.”

May gagawin nga raw isang teleserye si Eric pero hindi niya sinabi kung anong network ito.

“Aktor naman ako this time. I miss acting on TV kaya I will let somebody else direk me this time,” pagtapos pa ni Eric Quizon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy