Una sa Balita

Eric Quizon napagkamalang si Jackie Chan

0 798

abante-i-know-better-jun-nardoGandang-ganda si Eric Quizon kay Bianca Umali. Magkasama sila ngayon sa upcoming primetime series ng Kapuso network, ang “Sahaya.”

“I think Bianca is very promising. Gandang-ganda ako sa kanya. I think she has really a unique face.

“And very interes­ting! Very Pinay. Pero alam mong maganda. She’s very pretty. Iba ‘yung mukha niya. Hindi common ‘yung mukha niya.

“Minsan kapag nakakita ka ng mestisa, they all look the same. ‘Pag nakakita ka ng tsinito, tsinita, they all look the same.

“Alam mo, natatawa nga ako, parati ‘pag may nakikita ako. ‘Hoy, alam mo, ‘yung anak ko, kamukha mo?’ ‘Ahh okay.’ Sabi ko, bakit ‘pag puro chinito, parating sinasabi kamukha ko?

“Heto pa, isang beses. Si Tita Suan (Roces), sabi sa akin, ‘Alam mo, Eric, may anggulo kang parang si Jackie Chan.’ ‘Huh? Jackie Chan? Okay.

“Heto, funny, nasa Hong Kong ako. May dalawang Pinay, mga socialite, ‘Oh, look at that guy. He looks like Jackie Chan.’ ‘How could he be Jackie Chan? He looks younger than Jackie Chan.’ That’s why sabi ko he looks like Jackie Chan.

“Hindi nila ako napansin na Pinoy. Akala nila Intsik ako! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Eric sa mediacon ng “Sahaya.”

Ayon pa sa actor-director, isa siya sa unang director ni Miguel nu’ng kasali pa ang young actor sa “Starstruck Kids” at sa “Majika” ni Angel Locsin.

James umeksena sa premiere night ng Nadine movie

Full-support si James Reid sa partner niyang si Nadine Lustre sa premiere night ng Viva movie niyang “Ulan” last Monday sa Trinoma ci­nema. Kasama niyang duma­ting ang kaibigang si Sam Concepcion.

Sa manonood ng “Ulan” ngayong araw, kakaibang love story ito na handog ni Direk Irene Villamor. Naitawid nang husto ng Multi-Media Princess ang role niyang naghahanap ng true love.

Walang duda ang galing ni Nads bilang artista. Iba’t ibang emos­yon ang ipinakita niya sa kabuuan ng pelikula kaya naman proud na proud sa kanya si James after mapanood ang screening.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy