Una sa Balita

Eric binawalang magsalita sa teleserye ni Alden

By
0 2,683

Bahagi na ng entertainment industry ang mga fan whether we like it or not. Nag-evolve na rin sila ngayon dahil meron ng social media kung saan malaya silang nagpaparating ng mensahe sa kanilang mga idolo at meron din namang matatapang na nang-aaaway sa kanilang idolo.

Kung noong uso pa ang fan magazines, tanging letter to the editor lang ang paraan nila upang maiparating ang kanilang saloobin, positibo man o negatibo. This time, nariyan na ang FaceBook, Twitter at Instagram na may comment section na paraan upang makapagpahayag sila ng sentimiyento o pagmamahal sa mga artista.

Mura ka­sing magpa-load para maka-avail ng data sa mga telecom companies at tipa-tipa lang, send at umaapir na sa comment thread ang kanilang nais iparating.

Sa grupo ng fans ngayong millennial era, ang pinakamalupit na grupo ay ang AlDub Nation. Resourceful din sila at magaling magdugtung-dugtong ng mga post sa soc-med kaya agad silang nakakagawa ng ilalabas na komento. Eh, may multiplier effect din ang posts na ginagawa nila dahil puwede ito i-share, retweet at regram, huh!

Maging ang actor-director na si Eric Quizon ay napabilib sa AlDub sa one plus one equals two nilang posts. Nag-post lang siya ng picture ng tubig na pumapasok sa tent sa isang ta­ping na ginagawa, may konklusyon na agad sila sa mga kasama sa series na ginagawa ngayon.

Yes, merong bagong series si Eric sa GMA. Ayaw niya munang sabihin ang detalye tungkol dito dahil sa confidentiality clause na kanilang pinirmahan bago gawin ang series.

Pero nasulat na ng isang kolumnista na bahagi si Eric ng bagong series ni Alden Richards at kung sino ang kapareha rito ng Pambansang Bae.

“May be this month, sasabihin na ‘yon ng GMA,” saad ni Eric sa amin sa blogcon ng Regal movie niyang My 2 Mommies.
Once maging official na ang announcement ng Kapuso executives, abangers na lang tayo sa reaksyon ng mga fan, huh!

Avengers pinatay ang mga pelikulang Pinoy

Pero kung noong kasagsagan ng movies ay hindi lang pagtili sa kanilang mga idolo ang mga fan. 

Tinatangkilik nilang talaga ang kada pelikulang bida ang mga idolo. Subalit nu’ng unti-unti nang lumakas ang telebisyon at madali nang makita at makausap ng mga fan ang kanilang idolo, hanggang tili at sigaw na lang ang nagagawa nila at hindi na nagbabayad sa sinehan para panoorin ang pelikulang handog ng mga artista.

Kaya sa ngayon, bihira na talaga ang artistang matatawag na movie star. TV star na lang ang tawag sa mga baguhang artista ngayon dahil sikat man sila sa TV, bokya naman ang resulta sa takilya kapag may pelikula silang ginawa.

Eh, libre nang napapanood sa TV ang mga artista, bakit nga naman gagastos pa sila para magbayad sa mga sinehan?

So huwag lang puro tili at social media ang mga fan ng sikat na artista. Tangkilikin din nila ang kada local movie na ipinalalabas sa sinehan nang sa gayon eh, hindi tuluyang mamatay ang movie industry at hindi maulit ‘yung tanging ang foreign film na Avengers: Infinity War ang palabas sa lahat ng sinehan, huh!

May balita nga kami na may mga local movies na na-pull out sa mga sinehan dahil sa Avengers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy