Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

ERC pinakikilos ng NGCP! DOE pasisiritin presyo ng kuryente

0 25

Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ibayong paghihirap ang daranasin ng mga consumer ‘pag itinuloy ng Department of Energy (DOE) ang panukala nitong pagpapatupad ng ancillary services (AS).

Ayon sa NGCP, malinaw naman na serbisyo ang ibinibigay ng AS at hindi reserbang enerhiya na maaaring gamitin ng grid sa mga panahon na manipis ang supply ng enerhiya.

Dahil dito, hiniling ng NGCP sa Energy Regulatory Commission (ERC) na makialam na sa usapin para mapigilan ang paggamit sa AC ngayong panahon na mabilis na nababawasan ang supply ng elektrisidad sa Luzon bunsod ng pagsasara ng ilang power plant.

Lumilitaw na maaaring sumirit ng hanggang P.0.64 per kilowat sa Luzon, P0.54 sa Visayas at P1.39 sa Mindanao ang madaragdag sa singil sa konsumo sa kuryente ‘pag ipinatupad ang AS.

Iginiit ng NGCP na tungkulin lang ng AS na patatagin at balansehin ang power supply at demand.

Hindi rin anila maaaring patakbuhin ito ng mahigit sa dalawang oras upang hindi malabag ang mga patakaran ng ERC.

Sa ilalim ng estratehiya ng DOE, obligado ang NGCP na bilhin ang lahat ng AS requirements sa ilalim ng 100% firm contract kung saan, bilang provider ang mga AS provider ay babayaran para sa availability nito ng 24/7 kahit ginamit o hindi.

“Shifting to firm contracting is not the solution to the power supply shortage. We get our power to support AS from the same pool of generators, many of which went on unscheduled shutdowns, and whose current collective output is not enough to meet consumer demand. Signing a firm contract will not make a large capacity power plant magically appear with the stroke of a pen. The only thing that changes is the charging mechanism,” paliwanag ng NGCP. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.