Una sa Balita

ERC bumigay sa dagdag-singil ng Meralco-MVP

0 294

SA kabila ng sunod-sunod na mga brown out, muli pang magtataas ang singil sa kuryente sa susunod na mga buwan matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hinihinging adjustments ng Manila Electric Company at Therma Luzon Inc.

Inaprubahan ng ERC ang increase nu’ng Disyembre 11, 2018 ngunit inilabas ito, nito lamang Abril 16, 2019 ang hininging taas sa singil ng Meralco at Therma Luzon sapagkat magmamahal ang excise tax sa coal ngayon taon pati na sa 2020.

Ang Therma Luzon­ ay pag-aari ng mga Aboitiz na siyang nagpapatakbo ng 700 megawatt coal fired power plant sa Pagbilao, Quezon. Isa ito sa mga plantang pumalya nga­yong buwan kaya nag­kabrown out sa Luzon.

May kasunduan na ang Meralco at Therma Luzon para sa suplay ng kuryente na nakasaad sa kanilang power supply agreement na ina­prubahan noong 2012 at matatapos sa Disyembre 26, 2019.

Iniimplementa na ang PSA nang pinasa at pinatupad ang TRAIN kaya hindi pa ito kasama sa kwenta ng Meralco at Therma Luzon.

Tumaas ang excise tax sa coal sa P50 per metric ton noong Enero 1, 2018 dahil sa TRAIN at tumaas ito sa P150 per metric ton ngayong taon. Muli itong magtataas sa P150 per metric ton pagpasok ng 2020.

Ayon sa desisyon ng ERC, pinayagan nitong magdagdag ng singil ang Therma Luzon at Meralco para magkaroon ng interim relief dahil sa TRAIN.

Para sa mga tahanang kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan, tataas ang singil ng 26 sentimos para sa 2018, 60 sentimos para nga­yong taon at 94 sentimos para sa 2020. ­(Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy