Una sa Balita

Erap sumama ang loob kay JV

By
0 1,307

MATAPOS manumpa ni Senador JV Ejercito bilang bagong kasapi ng Nationalist Peoples’ Coalition (NPC), sumama ang loob ng kanyang ama na si Manila Mayor ‘Erap’ Estrada.

Ayon kay Ejercito, masama ang saloobin ng kanyang ama matapos nitong iwanan ang Puwersa ng Masang Pilipino (PMP).

Paliwanag ng senador, hindi maganda ang magiging imahe ng Estrada-Ejercito kung dalawa sila ng half-brother na si Jinggoy Estrada ang kakandidatong senador sa PMP.

Iginiit rin nito na personal itong magpapaliwang sa kanyang ama kapag nagkaroon na ito aniya ng pagkakataon.

“Pupuntahan ko pa lang siya pero nagpa­sabi na ako. Hindi kasi magandang tingnan na dalawa kaming magkapatid na nasa isang partido,” pahayag ni Ejercito.

Sinabi rin ni Ejercito na hindi nito mamasamain kung magiging guest candidate pa rin ng NPC si Jinggoy.