Una sa Balita

Erap saludo sa MPD, DPS-Task Force Manila Clean Up, traffic sa maayos na Traslacion

0 514

Pinasalamatan ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang magkakasanib na puwersa ng Manila Police District (MPD), Department of Public Services (DPS)-Task Force Manila Clean Up, City Security Force (CSF) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa maayos at sistematikong ayuda isinagawang Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay Estrada, kuntento siya mabilis na pagkilos ng mga tauhan ng DPS-TF Clean Up ni Che Borromeo at CSF Chief Capt. Jaime de Pedro sa mga basurang iniwan ng mga walang disiplinang deboto.

Nang magsimula ang Traslacion naging sistematiko ang DPS at TF Manila Clean Up na walisin ang kalat sa Quirino Grandstand pa patu­ngong Quiapo Church.

Umaasa si Estrada na sa susunod na taon ay magkaroon din ng disiplina ang mga deboto na dalhin ang kanilang basura at itapon ng maayos sa mga basurahan.

Nagpasalamat din ang alkalde kay MPD Director Sr. Supt. Vicente Danao sa seguridad ng pulis sa Traslacion at sa mga deboto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy