Una sa Balita

Erap sa Manila Zoo: Sumunod sa tamang pagtatapon ng basura

By
0 460

INATASAN ni Manila Mayor Joseph Estrada si City Administrator Ericson Alcovendaz na tiyaking maayos ang waste disposal system ng Manila Zoo at iba pang mga istrakturang pag-aari ng lokal na pamahalaan kasunod ng plano ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.

Kabilang ang Manila Zoo sa mga tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palpak ang waste disposal system na nagpapalala umano ng problema sa polusyon sa Manila Bay.

Sinabi ni Estrada na titiyakin niyang tutugon ito sa Environmental Code Ordinance 8371 na naipasa ng konseho sa ilalim ng kanyang termino.

Nagbigay din ng direktiba si Estrada kay Alcovendaz na i-imbentaryo ang mga gusali na pag-aari ng city government para magawan nila ng tamang waste disposal system bago pa magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

“Dinatnan na nating ganyan ang sitwasyon ng Manila Zoo kaya’t ginagawan natin ng paraang maayos ito. Kaya nga tayo nagkaroon ng Enviromental Code Ordinance para maresolba ang mga problemang sumisisra sa ating kalikasan”, ani Estrada.

Dagdag ni Estrada, suportado niya ang proyektong rehabilitasyon ni Pangulong Duterte kaya’t ipinasusuri na niya ang iba pang pag-aari ng lungsod na posibleng direktang nagtatapon ng kanilang basura sa Manila Bay.

Isusunod aniyang tututukan ng lungsod ang mga commercial establishment lalo na ang mga nasa paligid ng nasabing look.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy