Una sa Balita

Erap bumisita sa MCJ

0 468

Espesyal para kay Manila Mayor Joseph Estrada ang pamamahagi ng mga regalo sa mahigit 7,000 preso ng Manila City Jail noong Sabado.

Sa kabila ng ulan, sinuong ng alkalde ang masikip na bilangguan sa Central Market sa Quiapo, Maynila para mabigyan ng kasiyahan ang mga lalaki at babaeng preso na tinawag niyang mga ka-kosa dahil alam naman aniya ng lahat na siya ay dating nabilanggo at tinawag na ‘ex-convict.’

Bukod sa mga panghanda sa media noche ng kanilang mga panilya sa labas, inawitan din ni Estrada ang mga bilanggo ng kanyang paboritong ‘Kahit na Magtiis’ bilang inspirasyon umano sa mga ito na patuloy na lumaban at huwag mawawalan ng pag-asa sa kabila ng kanilang kalagayan.

“ Tulad ninyo rin ako na nakulong pero di ako nawalan ng pag-asa”, ayon sa alkalde.

Samantala, sinabi ni jail warden Supt. Randel Latoza na 85% sa mga nakakulong sa pasilidad ay may kinakaharap na kaso sa iligal na droga.

May kabuuang 7,165 ang preso sa MCJ at 1,300 dito ay mga babae at 5,865 naman ang bilang ng mga lalaki.

Giit ni Latoza, hindi na sapat ang nakatalagang mga jailguard sa buong compound ng MCJ kaya pumili sila ng mga preso na magiging marshal at lider­ sa bawat selda para sa pagpapatupad ng peace and order sa loob ng pasilidad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy