Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Epic fail ka teh! Nude photo ni Alex pinagtawanan

0 415

Sumablay si Alex Gonzaga sa intensyon na magmukhang hubo’t hubad sa kanyang birthday post sa Instagram. Nag-ilusyong bold star si Alex nang mag-pose siya na ang suot ay skin-toned spandex body-tight one-piece undergarment.

Nahalata agad ng mga fan na may suot ito kaya tinawanan lang nila ang drama nito. Nasa caption kasi ni Alex na hubo’t hubad siya sa larawan.

“It’s my B-day!!! Bold day!! Only tome i can post this nang di magagalit si Mister Morada! Pagbigyan na,” sabi ni Alex.

Hindi sineryoso ng mga netizen si Alex dahil alam nila ang kabaliwan nito.

Sarah, Matteo nilait ng mga KakamPink

Pinagdudahan, nilait si Sarah Geronimo ng mga ‘KakamPink’ at nadawit pa ang asawa niyang si Matteo Guidicelli, nang mapabilang ang singer/aktres sa tweet ni @tambongdc o Gregoria Anna_30 na nagpapakita na isa ito sa mga supporter ni Leni Robredo.

Nakaposte ang listahan ng mga Pinoy star na diumano ay susuporta kay Leni sa eleksyon. Nakalagay sa pangalan ng bawat star ang bilang ng kanilang mga follower, kabilang na nga si Sarah na may 16M follower.

Sabi sa mga comment, DDS daw si Sarah, at mukha raw itong pera.

Sabi nina @dionocampos at tubalinal_c, hindi raw nangangampanya si Sarah nang walang bayad. Tinawag ding Dutard, DDS si Matteo.

Pinatatanggal ng iba ang pangalan ni Sarah sa listahan dahil hindi naman daw ito vocal sa kanyang political views, at wala raw silang maasahan dito.

Anyway, nasa listahan nga ng mga KakamPink sina Marian Rivera (32M), Angel Locsin (26M), Kim Chiu (16), Vice Ganda (16M).

Vice Ganda pinaiyak ang kasambahay

Pinaiyak ni Vice Ganda ang isa sa mga angels o assistant niya nang sabihin niyang “malaki ang mawawala sa kanya” kapag nawala sa buhay niya ito.

Sa YouTube channel ni Vice, ang “Ang Sayo Ay Akin” challenge, kasama ang tatlo niyang beki na kaibigan, pati ang assistant na si Jacque. Tinanong ni Vice ang mga kaibigan kung anong meron sa kanya na gustong mapasakanya ng mga kaibigan.

Nang toka na ni Jacque sumagot ito ng “talino…ang talino mo kasi ateh.. Ako bobo.”

Kinontra ni Vice si Jacque at sinabi nitong naka-graduate ito samantalang siya ay hindi.

Ayon kay Vice matalino si Jacque sa taglay nitong ‘organization skills’.

Lahat ng mga gamit niya ay si Jacque ang nag-aayos. Magaling daw ang memorya ni Jacque.

“Kapag nawala si Jacque…malaki ang mapipilay sa akin. She plays a vital role in my life, personal and professional life. I appreciate your love for me…” sabi pa ni Vice.

Nalusaw si Jacque sa papuri ni Vice kaya napaluha ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.