Una sa Balita

Epekto ng virus: Chito Miranda nagmukhang Korean actor sa paningin ni Neri Naig

0 731

Malapit na ngang makumbinse ni Neri Naig na Korean ang kanyang asawang si Chito Miranda. Dahil hindi madalas lumabas ng bahay dahil sa lockdown at madalas na magkasama palagi ang mag-asawa, sinabi ni Neri sa post niya ng photo ng kanyang mister na pag nag-extend pa ang lockdown o quarantine, malamang titignan na niya ang asawa na isa na itong Korean star.

Sey pa niya, malapit na niyang pagsuutin ng trench coat at turtle neck ang kanyang mister kahit summer at pagamitin ng payong. Isang K-drama fanatic si Neri lalo na sa kasalukuyang umiere na “Crash Landing On You”.

Dahil singkit si Chito, papasa itong Korean lalo na sa paningin ng kanyang asawa. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More