Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Epekto ng kampanya, Semana Santa, Ramadan! COVID balik sirit sa Hunyo

0 126

Nagbabala ang gobyerno sa posibleng panibagong surge ng kaso ng COVID sa loob ng susunod na dalawang buwan o sa Hunyo dahil sa malalaking event gaya ng eleksiyon, Ramadan at Holy Week.

“We have the campaign period in politics, elections, and we have religious events like Ramadan and mass gatherings. All of these are what we call ‘high-risk events’ for superspreaders,” ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Herbosa sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay sama-samang kumakain sa gabi habang kapag Holy Week sa probinsya ay dinadayo ng mga kamag-anak.

Gayundin, ang malalaking pagtitipon sa political rallies kung saan minsan ay nakakalimutan na ng mga tao ang magsuot ng face mask.

“Magandang reminder ito sa atin na puwede talagang tumaas ang mga kaso,” ani Herbosa.

Sang-ayon din sa babala ng World Health Organization (WHO) ang isang eskperto na malaki ang posibilidad na tumaas ang COVID cases sa bansa pagkatapos ng eleksiyon.

Sinabi ni Dr. Nina Gloriani, chairperson ng Vaccination Expert Panel na hindi malayong magkatotoo ang babala ni WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rajendra Prasad Yadav dahil nagluwag na ang gobyerno sa protocols at kabi-kabila ang mga dinadaluhang campaign rally ng mga tao.

Ganito rin ang pananaw ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing sa harap ng kaliwa’t kanang campaign activities kung saan hindi na sinusunod ang social distancing.

“May possibility kasi may uptick tayong nakikita sa ibang bahagi ng bansa. Pero maliit pa lang naman itong mga uptick, hindi pa naman nakakaalarma,” ani David.

Kabilang sa mga nakitaan ng bahagyang pagtaas ng COVID cases ay ang Central Luzon at Northern Mindanao pero ito ay very low risk pa ayon sa OCTA Research.

“Nagsisimula na tayong magkaroon ng waning immunity dahil January tayo nagka-surge. Ngayon nakatatlong buwan na posibleng mayroon tayong mga kababayan tayo na ‘yong anti-body levels nila humihina, bumababa baka magkaroon ng pagtaas ng kaso after the elections kaya iyan ‘yong tinututukan natin,” dagdag ni David. (Juliet de Loza-Cudia/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.