Una sa Balita

Epekto ng El Niño: State of calamity idineklara sa Cebu

0 423

Nagdeklara ng state of calamity sa buong lalawigan ng Cebu dahil sa pinsala na nararanasan sa sektor ng agrikultura dulot ng patuloy na nararamdamang El Niño.

Batay ito sa ipinasang resolusyon ng Cebu Provincial Board sa kanilang pagpupulong Lunes nang hapon, kasabay ng paglalaan ng P59 milyon para sa ibibigay na tulong sa mga naapektuhang mangi­ngisda at magsasaka.

Ayon sa inisyal na pagtataya, mayroon nang 27 local government unit sa lalawigan ang nag-ulat ng pagkasira ng pananim at palaisdaan.

Nakapagtala na ng aabot sa P4.6 milyon na pinsala sa mga pananim sa ilang barangay ang agriculture office ng Cebu City.

Bukod dito, nakatanggap na rin ng ulat ng pagbaba ng suplay ng tubig sa ilang bayan sa nakalipas na buwan.

Una rito, ay nagbabala na ang Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng magiging epekto ng El Niño, kabilang ang maliit na tsansa ng pag-ulan na posibleng magtatagal hanggang Hunyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More