Una sa Balita

Epekto ng El Niño pinaghahandaan

0 235

Nakatakdang bumuo ng contingency plan ang city government of Bacolod para matugunan ang epekto ng matinding init ng panahon dulot ng nararanasang El Niño phenomenon.

Nagpalabas ng executive order si Mayor Evelio Leornidad kaugnay nang pagtatatag ng Task Force El Niño kung saan siya ang tatayong chairman.

Sa kopya na ipinadala sa media, nakasaad na kailangan ang koordinasyon ng mga lokal na ahensiya ng gobyeno para sa pagbabalangkas nang ipapatupad ng hakbangin para maibasan ang hindi magandang epekto ng tagtuyot na mara­ranasan hanggang buwan ng Agosto.

“A coordinated effort must be undertaken to prepare for the El Niño to minimize its adverse effects on our people,” sabi ni mayor.

Ayon kay Executive Assistant Jose Maria Vargas, cluster head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakatakdang magsumite ng plano at rekomendasyon ang kanilang departamento sa mayor’s office sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga miyembro ng Task Force El Niño ay sina Goldwyn Nifras ng City Agriculture Office; Maximino Sillo ng City Environment and Natural Resources Office; Dondon Parandas, City Disaster Risk Reduction and Management Office; Dr. Carmela Gensoli ng City Health Office; Jose Taniongon ng Central Negros Electric Cooperative at Juliana Carbon ng Bacolod City Water District. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy