EPAL KA, THEA!

By

Thea Tolentino
Thea Tolentino

Nakatanggap ng mixed reviews si Thea Tolentino sa kanyang pagganap bilang si Trish sa Destined To Be Yours. May mga naiinis sa kanya dahil epal daw siya sa pagmamahalan nila Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza).

Pero may mga pumupuri naman kay Thea dahil sa husay niyang dalhin ang pagiging kontrabida at hindi ito nagpapaapekto sa mga sasabihin ng mga die-hard fans ng AlDub.

“Trabaho lang naman po ito. Ginagawa lang natin ito dahil professional po tayo.

“Aware po ako sa mga reactions at comments ng mga fans sa social media. Merong mga nakakatuwa at meron din mga below-the-belt. Medyo personal na ang atake nila sa akin.

“Pero iniisip ko naman na ang kinaiinisan nila ay ang character kong si Trish at hindi ako as Thea Tolentino.

“Nakakatuwa rin kasi effective pala ang ginagawa ko. Kung mainis ko ang kahit dalawa or tatlong tao sa pagiging kontrabida ko, parang successful na ako sa ginagawa ko.

“Kaya open naman ako for criticisms. Lalo na sa mga susunod na episodes, may mga pagpapahirap ako na gagawin kay Sinag,” ngiti pa ni Thea.

Naging mas close na raw sila ngayon ni Maine dahil parati silang may eksenang magkasama.
“Super bait ni Maine. Hindi ko akalain na magiging close kaming dalawa sa trabaho.

“Tsaka sobra ang energy niya sa set. Kahit na pagod na kaming lahat sa mabigat na eksena, makikita mo pa rin ang pagiging bubbly ng personality niya. Parang hindi siya napapagod,” pagtapos pa ni Thea Tolentino.

SHARE