Una sa Balita

EO ilabas para mabawasan paggamit ng coal

0 260

HINIKAYAT kahapon ng energy environmental think tank ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) si Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng isang executive order na babalangkas kung paano mapapabilis ang pagpapaunlad ng mga renewa­ble energy source habang nililimitahan ang paggamit ng karbon sa bansa.

Ang panawagan na ito ay base na rin sa ipinahayag ng pangulo sa State of the Nation Address (SONA) nitong lunes.

“We welcome the positive remarks uttered by the President during his SONA, responding to the clamor of the public against dirty, deadly, and costly energy from coal and fossil fuels,” pahayag ni CEED Executive Director Gerry Arances.

“His statements are significant given that existing energy and power policies largely favor coal.” dagdag pa ni Arances
Ayon kay Arances sa kasalukuyan, ang halo ng kuryente ay dominado ng bahagi ng karbon sa 51%, at nakatakdang patuloy na lumaki dahil ang 30 na coal fired ­power plant ay nananatili na nasa pipeline.

Nakikita ng Department of Energy (DOE) na magtataas ang coal sa dalawang dekada o higit pa base na rin sa Philippine Energy Plan.

“We urge the President to formalize in an Executive Order the marching orders he gave during his speech to provide clear policy directions to the DOE and the Department of Environment and Na­tural Resources (DENR),” giit pa ni Arances.

Hinimok din ni Arances­ si DOE Secretary Alfonso Cusi at DENR Sec. Roy Cimatu, upang balangkasin ang mga patakaran o polisiya sa pagpapahintulot sa pro­seso ng mga energy project at coal-fired power plant na nasa pipeline.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy