Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Enzo nasasabik kay Michelle

0 286

Excited na si Enzo Pineda na makatambal muli ang kanyang dyowang si Michelle Vito sa isang upcoming Kapamilya mini-series.

“I will be having a mini-series with my lovey doves, Michelle! This coming November, December, January ‘yung taping po namin. So abangan niyo po ‘yan. Thank you, thank you so much po ABS-CBN for this project dahil sobrang excited na po ako,” sey ni Enzo sa “Star Magic Inside News” show sa YouTube.

Patikim pa lang ‘yan ni Enzo at mukhang surprise ang iba pang detalye dahil hindi pa niya binabanggit kung ano ang magiging takbo ng kwento at kung sino pang mga artista ang makakasama nila rito.

Huling napanood sina Enzo at Michelle sa ABS-CBN drama series noong 2019 na “Nang Ngumiti ang Langit.” Doon nga nagsimula ang relasyon nilang dalawa at hanggang ngayon, maraming fans ang kinikilig sa kanilang samahan.

“Please po stay strong kayo mag couple. Congratulations po!” komento ni @maybellepc01 sa sweet Instagram photo ng mag-dyowa.

Sabi naman ni @eme_irene, “Yiiieee….kinikilig po ako ng todo. God bless your relationship po.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.