Una sa Balita

Ensayo ni Pacquiao malupit!

By
0 901

Pabigat na nang pabigat ang susunod na mga ensayo ni eight-division Manny Pacquiao. Habang lumalapit ang araw ng upakan nila ni Lucas Matthysse, asahang pupukpok pa sa training ang ‘Pambansang Kamao’.

Nakatakda nang bu­malik anumang araw sa General Santos City ang Team Pacquiao upang doon ipagpatuloy ang ensayo ng 39-anyos na boksingero, na susubukang hubaran ng WBA 147-pound title ang Argentinian champ na tinaguriang ‘La Maquina’ na si Matthysse.

“Pagdating namin sa GenSan medyo patindi na nang patindi ang vo­lume ng training regimen na inihanda namin,” ayon sa chief trainer na si Buboy Fernandez sa pana­yam ng philboxing.com.

Nangangamba kasi ang ilang panatiko ni Pacquiao na baka nahihirapan itong pagsabayin ang training at ang trabaho nito bilang senador kaya humingi ng isang araw na pahinga mula sa ensayo.