Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ensayo ng mga atleta kasado

0 103

Tanging ang go-signal na lamang ang hinihintay ng Philippine Sports Commission (PSC) mula sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) upang tuluyang makabalik ang lahat ng mga pambansang atleta sa pag-eensayo sa inihahanda nitong bubble training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Ito ang inihayag mismo ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez matapos ang huling buwang pagpaplano para sa ahensiya sa taong 2020 at pagtatakda din ng mga programa at aktibidad nito para sa inaasam nitong pagbangon para sa puno ng aktibidad na 2021.

Mahigit 800 pambansang atleta na unang pinauwi ng PSC dahil sa panganib na dulot ng coronavirus pandemic ang inaasahang magbabalik training kabilang na ang mga naghahangad na makapagkuwalipika sa 2021 Tokyo Olympics pati na ang nagsasanay sa 31st Southeast Asian Games at Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG). (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.