Una sa Balita

Ensayo ng Gilas dedma sa ilang miyembro!

By
0 1,195

KINUWESTIYON ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes ang commitment ng mga basketbolista para sa national pool matapos hindi sumipot ang ilang Gilas pool player sa unang praktis ng third window sa FIBA Basketball World Cup Asia qualifiers, Lunes nang gabi.

Siyam na player lang ang nadatnan: sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Troy Rosario, Gabe Norwood, RR Pogoy, Mac Belo, Allein Maliksi at Carl Bryan Cruz sa light practice sa Meralco gym.

Hiniling ni Reyes na maging committed ang mga pool player bago pa man sumabak ang Gilas Pilipinas laban sa Chinese Taipei at sa Australia sa 3rd window ng Asia qualifiers sa 2019 FIBA World Cup sa China.

“The most important thing is commitment,” sey ni Reyes.

“Like today, half of the Gilas men are not here. I need to figure out and maybe get the entire team together and figure out if they are still committed to June 29.”

Areglado naman si Kiefe­r Ravena at may magandang dahilan ang hindi pagsipot sa praktis.

“Ang alam ko na nagpaalam lang si Kiefer because he is coming from a function in Iloilo. Other than that, I don’t know why the others aren’t here,” diin ni Reyes.

Pasok na ang Pilipinas sa susunod na round, pero maghaharap pa rin sila ng Chinese Taipei sa June 29 sa Taipei Heping Basketball Gymnasium at sa July 2 naman laban sa Australia sa Philippine Arena.

Hindi naalintana ang unang praktis ng Gilas kahit na siyam na player lang ang dumating, naisagawa pa rin nang maayos ang training sa tulong ng Gilas Cadets na sina Kobe Paras at Ricci Rivero. ()