Una sa Balita

Enrique, Xian, Richard gagawa ng Hollywood movie

By
0 349

Isang araw pagkatapos ng May 13 elections, nag-concede ang Kapamilya actor na si Richard Yap dahil sa pagkatalo niya sa re-electionist na si Raul del Mar bilang congressman sa 1st district of Cebu City.

Marami ngang trabaho na tinanggihan si Yap dahil sa pangarap niyang makapagsilbi sa kanyang hometown.

Hindi naman daw nagkulang sa suporta ang kanyang mga naging co-stars sa pinagbidahan noon na teleserye na “Be Careful With My Heart,” lalo na si Jodi Sta. Maria na lumipad pa to Cebu para sa isang campaign rally ni Yap.

Dahil hindi pinalad si Yap sa kanyang political bid, malamang na tanggapin na niya ang offer ng isang Hollywood actor-director para makasama ito sa cast ng isang action movie kunsaan ay imbitado rin ang mga Kapamilya actor na sina Xian Lim at Enrique Gil.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy