Una sa Balita

Enrique walang pasabog sa birthday ni Liza

0 747

Ni: Glenn Regondola

Matapos i-clean ni Liza Soberano ang kanyang IG account ng lahat ng photos nito noong nakaraang taon, sunod-sunod na ang post niya ng mga photo niya na kuha sa kanyang bakasyon sa Hawaii ngayon.

Ang mala-paraisong background ng kanyang litrato ay tila bahagi rin ng kanyang pag-celeb­rate ng ika-21st birthday sa ibang bansa. Picture-perfect nga raw ang cool pic ni Liza kung saan marami ang nagtatanong kung kasama ba niya si Enrique Gil sa bakasyon niyang ito dahil wala ito sa litrato.

Nitong January 4 ang kanyang birthday, kaya maraming fans niya ang nag-aabang sa naging surprise para sa kanya ni Quen na mukhang tahimik ang lahat ng kaganapan.

Anyway, hinihintay na nila ang pagbabalik ng kanilang idolo dahil magtutuluy-tuloy na rin ito sa shooting ng kanyang Darna project, kaya siguro nga ay sinulit na nito ang kanyang bakasyon.

Jose Manalo perpek na ‘Boy Tokwa’

Ngayong araw na ito, January 8 ay huhusgahan si Jose Manalo bilang isang solo comedy actor sa pamamagitan ng pelikulang “Boy Tokwa: Lodi Ng Gapo” na unang project ni Senate President Tito Sotto at ng kanyang VST Productions.

Ang kuwento na tungkol sa tinagurian ding “robinhood” ng Olongapo noong 60’s ay mula sa life story ng kaibigan ng yumaong asawa ni Ms. Kitchie Benedicto na kasalukuyang mayor ngayon ng Olongapo City na si Mayor Rolen Paulino at iba pa nilang kaibigan na matataas na rin ngayon ang antas sa buhay.

Naging interesasdo nga raw si Sen Tito sa kuwento nito nang magkausap sila ni Kitchie at yayaing gumawa sila ng isang pelikula.

Tanging si Jose lamang ang nakita nilang bagay sa role dahil bukod sa halos pinagbiyak na tokwa ang similarity nito kay Boy Tokwa, kuhang-kuha nito ang nuances nito.

Kaya, wish nga nila na sana ay pilahan din ito simula sa araw na ito katulad ng pilang ginawa ng mga manonood sa katatapos pa lamang na MMFF 2018 dahil deserving din naman daw ito ng atensiyon ng madla lalo na’t very inspiring ang pagkakagawa nito sa direksyon ni Tony Reyes.

Nai-launch na noon si Jose bilang isang major lead actor kasama sina Wally Bayola at Paolo Bal­lesteros sa pelikulang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” pero iba ito ngayong sa Boy Tokwa dahil solong-solo niya ang limelight, huh!

Kaya, madlang pipol , go, go, go na!

Ogie super iyak sa pagkanta ni Regine

Naging emosyonal si Ogie Alcasid habang kinakanta ni Regine Velasquez ang theme song ng latest Kapamil­ya teleserye na The General’s Daughter sa ASAP nitong Linggo.

Si Ogie ang nag-compose ng theme song na may titulong Ikaw Ang Aking Mahal na habang kinakanta nga ito ng kanyang asawa na punumpuno rin ng damdamin ay naluha naman siya.

Sa video ngang naka-upload, habang inaalalayan niya ang kanyang asawa matapos ang performance nito ay makikita ang mamasa-masa pang mga mata ni singer-actor lalo na’t tinanong sa kanya ni Regine kung okey ba ang pagkakanta nito.

Well, siguro nga ay dahil isinulat niya ito sa panahong nawawalan na siya ng kumpiyansa sa kanyang mga komposisyon dahil sa mga makabagong usong tunog ngayon, pero sa pagkaka-deliver ng kanyang misis ay tila muling lumakas ang kanyang loob na may pulso pa rin talaga siya sa magagandang komposisyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy