Una sa Balita

Enrique pangromansa ang katawan

0 498

Alam mo, Dondon, click sa mga LizQuen fan ‘yung dialogue ni Eddie Gutierrez sa presscon ng “Make It With You,” ang new primetime series ng ABS-CBN na magpa-pilot telecast sa Monday, na sa ngayon, dahil napag-usapan nga na puwedeng maging action star in the future si Enrique Gil like Ian Veneracion (na gumaganap na tatay nito sa series), ang katawan daw ng reel & real sweetheart ni Liza Soberano ay pang-romansa!

Tilian nga ang mga LizQuen fan na nasa Dolphy Theater na venue ng presscon ng “Make It With You” nang banggitin ‘yon ni Tito Eddie.

Eh, mukhang sa “Make It With You” naman ay may pagka-sexy si Enrique dahil sa teaser pa lang para sa series na ‘yon ay may pa-topless na ang boyfriend ni Liza, huh!

Natawa nga si Enrique nang mabanggit na may “pabakat” pa siya sa eksenang naka-shorts siya.

Anyway, masaya ang LizQuen dahil magbabalik-primetime nga sila starting Monday at romantic-comedy ang genre ng kanilang series na kinunan pa sa Croatia (officially the Republic of Croatia is a country at the crossroads of Central and Southeast Europe, on the Adriatic Sea).

Sinadya raw talaga na mag-taping sila sa lugar na ‘yon dahil kailangan sa istorya ng isang lugar sa Europe na kokonti lang ang mga Pinoy.

Ang alam nila, a little more than 100 lang ang mga Pinoy na nasa lugar na ‘yon at kapag winter ay nag-uuwian pa ng Philippines ang karamihan.

Bale more than three weeks silang nag-taping sa lugar na ‘yon and according to Enrique, hindi na sila babalik doon, pero may isa pa silang bansang pupuntahan, pero hindi pa nga allowed na sabihin kung saan.

Going back to Tito Eddie, nabanggit niya sa presscon ng “Make It With You” na noong panahon nila sa Sampaguita Pictures, mahirap daw pumasok na artista.

Bale 1958 siya nabigyan ng chance na maging artista, pero noong 1960 lang siya nagbida talaga. Sa una ay dumaan pa raw siya sa pagiging extra.

At kahit guwapo’t matangkad, payat noon si Tito Eddie at nagpalaki muna siya ng katawan, pero dahil nahihirapan siya, ang ginawa niya ay nagsuot ng t-shirt, polo at nag-leather jacket bago natanggap sa Sampaguita Pictures dahil nagmukhang malaki nga ang katawan niya dahil sa ilang damit na suot.

Vangie bagong dyowa ni Eddie

Sa “Make It With You” ay ka-partner ni Tito Eddie si Vangie Labalan at kung LizQuen sina Liza at Enrique ay EdGie naman daw.

Ang EdGie nga raw ang bagong “love team” na pasisikatin ng “Make It With You”.

Marami ang naaliw sa EdGie (although wala sa presscon si Tita Vangie dahil sabi ni Liza ay ayaw raw ng veteran actress/comedienne na um-attend sa mga ganoon dahil low profile lang ito), pero ang misis kaya ni Tito Eddie, si Annabelle Rama, ano ang reaksyon doon?

Ang alam ko noong una na pinaplano pa lang ang “Make It With You” ay kinukuha si Tita Annabelle para sa series na ‘yon, pero ang dialogue niya ay, “Huwag na lang ako, hindi ako marunong umarte!”

Hehehe…

Ai Ai ayaw nang buntisin ni Gerald

Sa presscon naman ng “D’Ninang”, ang first movie ng Regal Entertainment, Inc. ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, nausisa na naman si Ai Ai delas Alas tungkol sa plano nilang magka-baby ng mister na si Gerald Sibayan.

“Sumuko” na nga kasi si Ai Ai sa idea na siya mismo ang magbubuntis.

Si Gerald daw mismo ang kumontra sa bagay na ‘yon.

Noon pa raw siya gustong sabihan ni Gerald na hindi nito gusto na siya mismo ang magbubuntis for health reasons lalo na at puro organic ang kinakain niya at mahirap siyang magkasakit.

Minsan daw kasi na nag-take siya ng antibiotic dahil sa pagkakasakit, nag-numb pa ‘yung sa may upper lip niya.

So, concerned nga raw sa kanya ang mister, kaya hindi na rin niya itinuloy ‘yung idea na siya mismo ang magbubuntis.

Sa ngayon, naghahanap pa sila ng babaeng magke-carry ng kanilang magiging baby.

Bale sa mapipili nilang babae “itatanim” ang frozen embryo ni Ai Ai.

Samantala, happy si Ai Ai na siya nga ang pambuena mano nina Mother Lily at Roselle for 2020. Dalangin nga ng comedienne na maging successful sa box-office ang “D’Ninang”.

In fairness, maganda ang trailer ng “D’Ninang”, huh!

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More