Una sa Balita

Enrique naka-tattoo na sa puso ni Liza

By
0 2,656

Wala na talagang makatitibag pa sa puwesto ni Enrique Gil sa puso ni Liza Soberano. Kumbaga, naka-tattoo na sa puso ni Liza si Enrique.

Mas kapansin-pansin nga ngayon ang sobra-sobrang kalambingan ni Liza kay Enrique, na wala na ngang tago-tago pa sa nararamdaman niya sa binata.

“Miss you sleepy head,” sey ni Liza para kay Enrique.

Parang hindi na nga kaya ni Liza na hindi makasama si Enrique araw-araw. At very vocal na nga si Liza sa pagmamahal niya kay Enrique, ha!

Anyway, sigurado namang hindi na talaga maghihiwalay ang dalawa, at araw-araw na talaga silang magkikita. Dahil sa bago nilang fantaserye na Bagani, siguradong araw-araw silang magkasama sa ta­ping.

Isang panibagong mundo kung saan iiral ang katapangan, katatagan, pag-ibig, at pag-asa ang bubuksan ng ABS-CBN simula sa Lunes (March 5) sa pag-uumpisa ng pinakaaabangan na fantaserye na Bagani.

Kasama nina Liza at Enrique rito sina Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales. Kakaibang adventure nga ito sa primetime na kung saan ay gaganap si Enrique bilang si Lakas, na mula sa rehiyon ng taga-disyerto, at si Liza naman bilang si Ganda, mula sa rehiyon ng tagapatag.

Si Matteo si Lakam na mula sa rehiyon ng taga-kalakal, si Makisig si Dumakulem, mula sa rehiyon ng taga-gubat, at si Sofia si Mayari na mula sa rehiyon ng taga-laot.

Silang lima ay may mga natatanging kakayahan at kabutihang puso na handang magsakripisyo para sa iba. Kaya naman bilang gantimpala ay pagkakalooban sila ng kanilang Diyos na si Apo nga mga makapangyarihang armas – ‘espada ni Minokawa’, ‘pana ni Makiling’, ‘palakol ni Bernardo Karpio’, ‘arnis ni Liwliwa’, at ‘kalasag ng Kataw’ — na kanilang gagamitin bilang maging ganap na mga Bagani na siyang susugpo sa kasamaan ni Sarimaw, kapatid ni Apo na gustong maghasik ng lagim at sakupin ang buong Sansinukob.

Kasama rin sa Bagani sina Robert Seña, Ana Abad Santos, Rayver Cruz, Lara Quigaman, Enzo Pineda, Christian Vasquez, Mikylla Ramirez, at Joj Martin. Mula sa direkyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives.