Enrique at Liza, totohanan na?!

By

Mas lalong luminaw ang matagal nang haka-haka ng lahat tungkol sa diumano’y totohanang romantic relationship nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Nakaposte sa Instagram account ng isang @marivicdequina ang photo op nina Liza at Enrique na kuha sa isang event ng Kapamilya network na hindi naman sinabi sa posts kung ano.

Parehong naka-black outfit ang dalawa at nilagyan nang circle drawing ang kanilang mga kamay, upang i-emphasize ang pagkakaroon ng dalawa ng parehong bracelet.

Sa hashtag na sinulat ng may-ari ng IG posting na ito, sinabi niyang couple bracelet ang suot-suot nina Enrique at Liza at inlove na raw ang magka-loveteam.  Sabi pa niya, totoo ang team-up ng dalawa.

@marivicdequina, “#couplebracelet, #couplesmiles #coupleheart #lizqueninlove #lizquenisreal”.

Siyempre, sumuporta naman sa nagpost nito ang ob­serbasyon niya sa dalawa at nagpayo pa ang iba na maging matatag at faithful sa isa’t isa para tumagal pa raw ang kanilang pagmamahalan. 

SHARE