Una sa Balita

Enrique Gil, pupulutin sa kangkungan laban kina Aga at Dingdong

By
0 8

Kinabog nga raw ang dibdib ni Enrique Gil dahil nasa pagitan siya ng dalawang­ award-winning actors na sina Aga Muhlach at Dingdong Dantes? Ito ay sa Star Cine­ma movie na Seven­ Sundays na dinirek ni Cathy Garcia Molina.

Sanay na rin naman si Quen na nakipagbatuhan ng linya sa mga betera­nong aktor, pero iba siyem­pre kapag mga de-kalibre ang kaharap mo, noh! Hindi ito isang rom-com movie­ na kanya nang kinasana­yan kaya kailangan niyang makipag­sabayan talaga or else pupulutin­ siya sa kangkungan, devah?

#Bench30Years @bcbench @benchtm

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Base naman sa tsikang nasasagap namin, nag-level up naman daw ang dating pa-cute na young actor. Inaral niya nang husto ang kanyang mga linya kaya nang humarap na sa kamera, preparado naman ito.

Lalo na nga’t comeback movie ito ni Aga na for so many years ay ngayon lang ulit gumawa ng pelikula, naku, kahihiyan nga kay Quen kung papalpak siya pagdating sa aktingan.

Sa totoo lang, bonggang karanasan ito para sa kanya na kahit sanay na siya sa mga ‘parusa’ ni Direk dahil ilang ulit na rin silang nagkasama, pero Aga at Dingdong nga ang kanyang co-stars, kaya ano pa?

Kungsabagay, siya naman ang tinanghal na  Best Actor sa 19th Gawad Pasado Awards para sa movie na Dukot, kaya marami ang naniniwalang sasabay si Quen sa ga­ling ng dalawang ito.

Pinas, mayaman sa magagandang dilag…

Para sa CEO ng franchise ng Miss Philippines 2017 na si Franciso Blanco Jr., malaki talaga ang potensiyal ng ating mga Pinay beauties sa international beauty pageants.

Iba nga raw talaga ang gandang Pinay kaya maging siya, na may malawak na background pagdating sa larangang ito ay hindi tumitigil at napapagod sa pag-discover ng magagandang Pinay na ipinanlalaban niya sa ibang bansa.

Mayaman nga raw talaga tayo sa magagandang dilag dahil sa mixture ng iba’t ibang lahi na dumadaloy sa ating mga dugo at genes.

Kaya, para mas lalo pa siyang maka-focus sa aspetong ito, nilakad niyang mapasakanya ang Miss Phi­lippines 2017 na nagkaroon na ng Coronation Night noong September 23 pa.

Para sa pioneer batch niya, ang mga tinanghal na major awardees ay sina Miss Georgette  Nicole Coronacion bilang Miss Philippine Dia­mond Star na lalaban sa Montenegro. Samantha Arcilla bilang Miss Philippine Princess of the World na lalaba­n sa Czech Republic, si Jayalea Tumaliuan­ bilang Miss Philippine Tourism na lalaban sa Spain, at Miss Kelly Dione Camoro bilang Miss Philippines Queen and Beauty Universe na lalaban din sa Spain.

Good luck girls. Make our country proud!