Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Engkanto Pumupuslit sa Condo

0 126

Mga ka-Misteryo kailangan lagi kayo nag-iingat at dumepensa lalu na kapag napapasok na kayo ng mga engkanto.

Tulad ng karanasan ni Leni ng Makati na mismong sa condo pa niya nakita ang engkanto.

Misteryo: “Paano mo nakita yung engkanto? Saka teka clairvoyant ka pala at nakikita mo ang ispiritu o ibang nilalang?”

Leni: “Yes natural psychic ho ako at active ang clairvoyance ko. Nakita ko yung engkanto biglang sumulpot sa room ko nakatayo sa paanan ng bed ko.”

Misteryo: “Before mo ba siya nakita sa room mo. Nakikita mo na ba siya somewhere sa condo unit mo?”

Leni: “That night bago ako matulog may black shadow akong napansin sa kitchen namin. Paiba-iba siya ng puwesto parang sinusundan niya ako kung saan ako magtungo sa place ko. Nitong previous days may feeling ako kasama ko siya sa mga lakad ko sa labas.”

Misteryo: “Naku mukhang matagal ka na pala niya sinusundan. Any dream na nakita mo siya or any image na nagpakita sayo o kaya nanligaw sayo in dreams.”

Leni: “Yes meron guwapo siya pero hindi ko siya kilala. Kinukumbinsi niya ako na sumama sa kanya pero ayaw ko kasi yun nga hindi ko naman siya kilala. In the first place bakit naman ako sasama sa kanya eh may husband nanan ako.”

Misteryo: “Base sa sinasabi mo that guy is courting you nililigawan ka niya gusto ka niya at yun mukhang may gagawin siya nang nakita mo siya sa bedroom mo.”

Leni: “I know kaya nagready ako. Hindi ako natakot ng makita ko siya. Ang itim itim niya hindi tulad ng mestiso na nakikita ko sa dream ko. Ganun ba talaga hitsura nila?”

Misteryo: “Yes pangit sila. Deceiving yung good looking sila sa dream but in the real world, ugly creatures sila kaya mag-ingat lagi.”

Leni: “Thanks God buti nagawa kong lumaban may feeling ako na rereypin niya ako.”

Kayo mga ka-Misteryo kapag may experience kayo tulad nito, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.