Una sa Balita

Engineer sa Oriental Mindoro nagbaril sa sarili

By
0 1,481

Nagbaril umano sa sa sarili noong Biyernes ang isang engineer na tumatakbo bilang board of director ng Oriental Mindoro Electric Coo­perative (ORMECO).

Nagpatiwakal gamit ang caliber .357 magnum revolver si Engineer Armando Santoc Gunay, ng Brgy. Bagong Bayan II, Bongabong, Oriental Mindoro.

Ayon sa pulisya, bandang alas-kuwatro nang hapon ay nakikipag-inuman pa si Gunay kasama ang kanyang mga kaibigan at nabanggit umano nito ang kanyang mga problema sa pagtakbo sa board of director ng ORMECO ngayong araw, April 28.

Bandang alas-9:20 nang gabi ng bumunot ng baril si Gunay at ipinutok sa sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na magpatawag ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) para iproseso ang crime scene.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy