Una sa Balita

Engineer bali ang leeg sa hampas ng alon

0 276

ISANG engineer ang namatay matapos siyang hampasin ng ma­laking alon sa beach ng North Carolina at tumilapon sa buhangin na ikinabali ng kanyang leeg.

Naglalaro sa Oak Island beach si Lee Dingle, 37, kasama ang tatlong anak noong Huwebes nang hampasin siya ng malakas na alon, ayon sa asawa nitong si Shannon ­Dingle.

Sa lakas ng pagbagsak niya sa buhangin ay nabali ang leeg nito at namaga ang lalamunan kaya’t hindi makapasok ang oxygen sa utak. Namatay siya kinabukasan sa ospital.

Sa post ng Oak Island Water Rescue sa Facebook, agad umano silang tumulong kay Dingle ilang minuto matapos ang aksidente.

Si Dingle ay presidente ng Atlas Engineering sa Raleigh, North Carolina, isang kompanya na kumukumpuni sa mga structural problem at iba pang pinsala ng gusali. Na-promote pa lang na presidente ng kompanya si Dingle, dalawang linggo bago siya namatay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy