Una sa Balita

Engineer bagsak ang kabuhayan sa sabong

0 203

HELLO po sa inyong lahat.

Suki ako ng Abante at gusto kong mag-share ng tsismis sa inyo. Ang tsismis ko po is about my rich neighbor (dati). Let’s call him Engr. Gambler, engineer po na may malaking construction company. Pero dahil sobrang addict sa sabong, ayu’n minalas hanggang sa maghirap na. Ang kuwento po ganito. Ten years ago, maliit pa itong business ni Engineer, nagsisimula pa lang kasi noon. Pero 5 years ­after, lumaki ang business. Sobra ngang bilis ng pag-asenso niya.

Noong 2016, ‘yung bayaw ni Engineer na si Rod ay isang sabungero na nag-introduce sa kanya na mag-alaga ng mga manok na panabong. ­Mag-breed daw na manok tapos ­ibebenta. Maganda raw na negosyo. Eh ‘di ­inumpisahan ni ­Engineer na mag-alaga. Dati naman kasi ­nagsasabong siya talaga noon, paminsan-minsan lang. ­Natigil lang dahil nag-focus sa construction business. Maganda naman ang business niya ng pagmamanok, maraming bumibili sa kanya kasi ­maganda raw ang na-produce niya. ‘Di nagtagal, muling nagsabong si Engineer. Nagpapanalo siya noong una, lagi hanggang sa mawili. Pero nitong 2019, medyo inaalat si Engineer, laging talo sa sabong. Pinapayuhan na nga siya ng kanyang asawa na tumigil sa sabong dahil napapabayaan na niya ang negosyo.

Pero ‘di siya nakinig, madalas pa rin ang sabong.Dahil na-addict yata sa sabong, unti-unti nang ­bumabagsak ang construction business. ­Nabawasan ang mga construction job, pati tauhan nagbawas din siya. Eh kasi puro sabong ang nasa utak.Hanggang sa ibenta na iyong ibang sasakyan niya para lang may mapusta sa sabong. Nakaraang taon ay bumagsak nang ­tuluyan ang ­business at ­ibinenta na lang ni Engineer ang lahat ng ­construction equipment. ‘Yung madalas na kaadikan niya sa sabong ang naging ­dahilan kung bakit siya iniwan ng kanyang asawang doktora. ­Sumuko na dahil wala nang inatupag si Engineer kundi sabong nang sabong. ­Ngayon, solo na sa ­buhay si Engineer.

Tumigil na sa sabong dahil wala ng pera. Buti na lang may natira pang property sa kanya. Pero ang negosyo, taob at nais niyang buhayin muli.

‘Yan po ang kuwento ni Engineer na naadik sa sabong. Thanks!
Shirley of Pampanga

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More