Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Endo sa gobyerno hanggang Dec 2022 pa

0 44

Isang bagong circular ang nakatakdang ilabas na magpapahintulot sa mga ahensya ng gobyerno na mag-empleyo ng contractual worker hanggang sa December 2022.

Sa debate sa plenaryo noong Biyernes ay kinumpirma ito ng Department of Budget and Management (DBM) sa budget sponsor ni Surigao del Norte Rep. Bingo Matugas.

Nabatid na lalagdaan ang bagong circular at ilalabas sa susunod na linggo na magiging dahilan para ipagpaliban ang implementasyon ng joint circular ng Commission on Audit (COA).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Joint Circular no. 1, series of 2017 pinapayagan ang mga ahensiya ng gobyerno na mag- hire at mag- renew ng umiiral na contract of service at job order workers hanggang Disyembre 31, 2018, pero pinalawig hanggang Disyembre 31,2020 sa pamamagitan ng bagong circular .

Base sa data ng Civil Service Commission mayroon 600,000 contractual employees hanggang nitong Agosto.

Gayunman, sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Ferdinand Gaite,hindi sila pumapayag na patuloy na kumuha ang gobyerno ng contractual personnel, pero ito lamang umano ang paraan para makatiyak na mayroon silang mapapagkakitaan sa gitna ng COVID 19 pandemic.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.