Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Endo lulusawin ni Lacson

0 111

Nanindigan si Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na pabor siya na wakasan ang kultura ng kontraktuwalisasyon sa bansa pero kailangan aniya na ibalanse ang mga interes ng mga manggagawa at mga may-ari ng negosyo sa usaping ito.

Sa programang “Go Negosyo Kandidatalks: The Presidential Series,” inihayag ni Lacson na nais niyang protekta­han ang sektor ng mga manggagawa na patuloy na pinagkakaitan ng pagkakataong maging permanente sa trabaho sa ilalim ng umiiral na sistemang end-of-contract o ‘endo’.

Ngunit sa kabilang banda, sinusuri rin ni Lacson ang panig ng mga employer na inaalala ang posibleng ma­ging negatibong epekto nito sa ilang aspekto ng kanilang negosyo. Kaya naman maingat siya sa paglikha ng desisyon sa anumang panukalang batas para tapusin ang kontraktuwalisasyon.

“Kailangan sigurong ibalanse ‘yong business at saka ‘yong ating mga manggagawa, ‘yong mga employee, ‘yon siguro.Nagtatalo ‘yan e, parang to favor one would disfavor the other­, but not necessa­rily. Kailangan i-balance talaga,” sabi ni Lacson sa forum host na si Cheryl Cosim.

“I think may makikita naman ditong middle ground para maproteksyunan din ‘yong ating mga manggagawa na alam mo, anim na buwan lang e, pagkatapos wala namang security of tenure… Ako, I’m for ending ‘yong contractua­lization, actually,” dagdag pa ng presidential candidate. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.