Endangered na hayop binuhay sa clonning

Makasaysayan ang buhay ng isang black-footed ferret, na kabilang sa endangered species sa Amerika, dahil sa pag-clone sa nasabing hayop na nasawi 30 taon na ang nakaraan.
Sa ulat mula sa US Fish and Wildlife Service, pinanganak ang hayop noong Disyembre 10 at pinangalanan na Elizabeth Ann.

Pinalaki ang ferret sa breeding facility ng ahensya sa Fort Collins, Colorado. Nagmula umano siya sa genetic copy ng ferret na si Willa, na kabilang din sa mga huling wild species, na namatay noong 1988.
Sa pamamagitan ng cloning, mapapanumbalik ang mga species na naging extinct o tuluyan nang nawala.