Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Enciso-McCarthy swap ng koponan

0 226

SINIMULAN na ng Blackwater Bossing ang kanilang pagre-rebuild sa koponan matapos i-trade si guard Simon Enciso sa Terrafirma Dyip kapalit ni Rashawn McCarthy.

Inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office nitong Martes ang nasabing one-on-one trade.

Ito ang unang hakbang ni interim coach Ariel Vanguardia para sa pag-revamp ng Bossing matapos bitawan ng koponan si tactician Nash Racela.

Nitong 2021 PBA Philippine Cup, nag-average si Enciso ng team-high 13.7 points, 4.1 assists at 2.8 rebounds per game para sa Blackwater na nalugmok sa torneo, 0-11, win-loss record.

Samantala, nakapagtala naman si McCarthy ng average na 9.7 points, 2.7 rebounds at 2.0 assists per game para sa Terrafirma na bigo ring makapasok sa playoffs na may markang 4-7 win-loss slate. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.