Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Enchong nakakita ng mga aswang sa ABS-CBN rally

0 1,409

Tila isang tunay na militante ang dating ni Enchong Dee sa mga photo na naglabasan sa pagdalo niya, pakikiisa sa mga nagra-rally, nagbi-vigil, nagno-noise barrage sa harap ng ABS-CBN compound.

Nakataas ang dalawang kamay at hawak ang ‘placard’ na ‘Defend Press Freedom!’ at makikita sa ekpresyon ng kanyang mukha na puno ito ng galit.

Well, ibang-iba na nga ang eksena sa paligid ng Channel 2. Kung dati ay ang mahabang pila ng mga fan na gustong makapasok, makapanood ng mga show nila tulad ng It’s Showtime at ASAP ang makikita mo, ngayon nga ay mga empleyado, mga fan, at mga malalaking artista ang masisilayan mo.

Kung noon ay tila hirap na hirap ang mga fan na makakita ng mga Kapamilya star, ngayon nga ay parang napakadali na, dahil magpunta ka lang sa ABS-CBN at siguradong may makakasalubong ka na agad na malalaking bituin.

At yes, isa nga si Enchong sa mga artistang nakisamang mag-ingay sa mga empleyado, mga fan ng Dos. Pero `yun nga lang, naging malaking palaisipan lang sa akin ang Instagram story ni Enchong, na cinematic ang dating ng video dahil black and white, at may nakakaintrigang caption.

Sa simula ng video ay ipinapakita nga ni Enchong ang mga nag-iingay, hanggang sa papunta sa tore ng Dos.

“Habang kami ay nag-iingay may mga nakita kaming mga asawang!” ang nakakalokang caption ni Enchong.

Paulit-ulit ko ngang pinanood ang video dahil gusto kong masipat kung may nahagip ngang mga ‘aswang’, pero dahil black and white nga ito, nahirapan akong hanapin.

Pero, puwede rin naman na hindi literal na aswang ang tinutukoy niya, kundi mga aswang sa buhay nilang mga Kapamilya star, o mga kalaban na ginustong pumasok sa kanilang hanay.

Well…

Kim ‘inangkin’ na si Xian

Mula umaga hanggang gabi ay puro paandar ang ginawa ni Kim Chiu para sa kanyang boyfriend na si Xian Lim. Umaga pa lang ay matamis na pagbati ng happy birthday, with matching beso ang ginawa ni Kim kay Xian.

Yes, magkasama nga sina Kim at Xian dahil naka-lock in sila para sa taping ng Love Thy Woman.

At bukod pa doon, nag-post din si Kim ng bonggang birthday message kay Xian. At siyempre, puno ng pag-ibig ‘yon na iinakilig ng mga fan, at mga kapwa niya artista.

Sabi nga, xi Kim na raw ang ‘the sweetest girlfriend ever’ dahil sa mga paandar nito kay Xian.

Pero siyempre, ang pinakabongga sa lahat, para sa akin ay ang pag-alay niya ng kanta kay Xian ha!

Makikita sa Instagram story ni Ruffa Gutierrez ang video na kinakantahan ni Kim si Xian ng ‘Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin’.

Kitang-kita na kilig na kilig si Xian sa kantang `yon ni Kim. At yes, base sa lyrics ng kanta, tila inangkin na nga ni Kim si Xian.

Sabi nga kasi, ‘Na ako’y sayo, at ika’y akin lamang…’

Taray, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.