Una sa Balita

Enchong-Kiray, nakakabangag ang tandem!

By
0 11

Marami ang natatawa sa kumbinasyon ng love team nina Kiray Celis at Enchong Dee. Tawagin ba naman silang “ChongKi”, eh, para sa mga millennial, iba ang dating ng pangalang ito.

Panahon talaga nila ‘yung mauso ang tawag na chongki na patungkol sa isang tanim na nakakaba­ngag. Pero, sa pelikulang I Love You To Death ng Regals Films, aba’y swak na swak pa rin ang kumbinasyong Chongki nina Kiray at Enchong nga dahil totoo namang nakakabangag ang pelikulang ito.

Nakakabangag sa tawanan, sa sobrang saya at sa mga nakakaaliw na eksena ng dalawa.

For sure, high na high ang mararamdaman ng audience habang pinapanood nila ang kakaibang kumbinasyon na ito ng ChongKi tandem.

Saan ka pa? Eh, ‘di siyempre, dun na sa pelikulang pansamantalang mag-aalis sa sandamakmak na problema, de vah?

Bonggadera nga si Kiray dahil matapos ang hit movie niya with Derek Ramsay, ay may follow-up kaagad siya. Walang magtataasan ng kilay kapag sinabing siya ang prinsesa ng Regal Films sa ngayon dahil mukhang totoo naman.

Kaya nga, hindi nakakapagtaka ang sobrang suporta sa kanya ngayon ni Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde dahil alam nila na marami ang nagmamahal sa kanilang little princess.

Kaya, halika na at mag-ChongKian na tayo sa mga sinehan kapag ipinalabas na ito sa buong Metro Manila.