Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Enchong gumuho ang paghanga sa mga Cayetano

0 1,222

Tuluyan nang nga gumuho ang paghanga ni Enchong Dee sa mga Cayetano, at dahil `yon sa pagpatay sa ABS-CBN 2. Pinoste ng supporter ng ABS-CBN ang newsfeed kaugnay sa naging pagturing ni Sen. Alan Peter Cayetano sa pagbasura sa renewal ng prangkisa ng kapamilya network.

@bernabychuck: “On denying ABS-CBN it’s franchise. Alan Peter Cayetano said: “We simply put an end to the privilege of one family in using a public resource to protect and promote their privilege interest.”

Kakabit ng newsfeed ang larawan nina Pateros-Taguig Congresswoman Lani Cayetano at Taguig Mayor Lino Cayetano. Pinaskil ito ni Enchong sa kanyang tweet at nag-comment ito.

“I used to admire these people…” tweet niya.

Shawie bawal pa sa Australia, Korea

Nalusaw ang pagnanais ni Sharon Cuneta na makapag-travel abroad, dahil hindi sumakto sa advisory ng Philippine government na puwede nang pumasok sa mga bansa ang mga visitor, sa ginawang inquiry ng Megastar sa mga bansang nais niyang puntahan.

Tablado nga ang mga taga-Pilipinas na magpunta sa Australia, New Zealand, South Korea, Malaysia.

“That leaves the U.S.A. – that is, if your U.S. Visa is still valid or if you are a Citizen or Legal Resident there. Applying for a tourist Visa now I guess might be possible, but I believe it won’t be easy.

“Di ko alam kung nakakatawa ito o nakakaiyak. Sana sa inyong OFWs sa Saudi at sa ibang bansang nakalista dito, totoong puede kayong lumipad sa inyong kailangang puntahan – at papasukin kayo. May kalabuan yata. Sana may maglinaw para sa bayan.”

Sheena nalagas ang buhok

Hirap na hirap si Sheena Halili sa kanyang pagbubuntis ngayon dahil sa dami ng mga hindi niya gustong kainin o maamoy.

Ibinahagi ni Sheena na nakakain na siya ng bahagya ngayon. Noong

1st trimester niya ay marami raw siyang ayaw maamoy na pagkain.

Ngayon lang daw sya nagkakagana sa prutas, tubig, alimango. Ang dating isinusuka niyang vitamins ay nagagawa na niyang inumin.

Nawala na rin ang paglalagas ng kanyang buhok. Natakot nga siya noon dahil nalalagas daw ang kanyang buhok.

Alessandra ikinumpara ang sarili kay Mama Mary

Naniniwala si Alessandra de Rossi na puwede na siyang tawaging “Lady of Quarantine” sa artwork na ipinadala sa kanya ng fan. Sa photo ay makikita na naka-profile angle siya at may nakapabilog na puti sa ulo at mukha.

Ipinapalagay ni Alex na para siyang santa o Mama Mary sa kanyang larawan dahil sa parang ‘halo’ sa larawan.

Samantala, pinaglaruan ni Alex ang ate niyang si Assunta de Rossi, nang pinag-pose niya ang buntis na kapatid sa likod bahay katabi ng mga talbos ng kamote.

Kyla nagtuturo ng ‘kulot’

May tutorial online rin ngayon ang R&B singer na si Kyla, na tinawag niyang “Kulutorial”. Tinuturuan niya ang mga aspiring singer ng technique kung paano gawin ang roller-coaster style ng pag-awit.

Kilala si Kyla dahil sa husay niyang magpasirko-sirko ng boses habang kumakanta, na tinawag na “kulot”.

Libre ang pagtuturo ni Kyla ng pagkanta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.