Una sa Balita

Encantadia, #1 Kapuso show sa Urban Luzon

0 6

Tulad last month, mas maraming programa ng GMA ang napabilang sa listahan ng top programs sa Urban Luzon, base sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.

Una sa listahan ang GMA telefantasya na Encantadia, kasunod ang Magpakailanman, Kapuso Mo Jessica Soho, Descendants of the Sun, Pepito Manaloto at 24 Oras.

Di rin nagpahuli ang 24 Oras Weekend, Ismol Family, Sunday PinaSaya, Hay Bahay!, Eat Bulaga, Juan Happy Love Story, Imbestigador, Lip Sync Battle Philippines, Wowowin, Karelasyon at Bubble Gang na pawang nakapagtala rin ng mataas na ratings.

Nanatili ring number one ang GMA sa total day ratings at lahat ng day-parts sa Urban Luzon dahil sa nakuha nitong 40.4 percent household audience share, mas mataas ng 7-points sa 33.4 percent ng kalaban. Ang Urban Luzon ay kumakatawan sa 77 percent ng kabuuan ng urban TV households sa bansa.

Kasabay ng patuloy na pamamayagpag ng GMA sa telebisyon, muling nakamit ng GMA Network Portal (www.gmanetwork.com) ang pinaka-maraming bilang ng page views sa lahat ng local website dito sa bansa noong nakaraang Hulyo. Umabot ng mahigit 202 million pageviews ang naitala ng GMA Portal, mas mataas sa 184 million ng ABS-CBN.