Una sa Balita

Empoy ‘delivery boy’ na lang sa movie ni Alessandra

By
0 18

Wala kaming expectations nang panoorin namin ang 12, ang complicated relationship movie ng Viva Films na pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Ivan Padilla na nagkaroon ng special screening noong Lunes sa Cine Adarna ng University of the Philippines.

In fact, hindi kami naging komportable sa mga unang eksena ni Ivan sa 12 dahil sa kanyang ‘parating galit school of acting’ pero nakabawi siya sa kalagitnaan ng bahagi ng pelikula.

Maliban sa special participation ni Empoy Marquez bilang pizza delivery boy at sa boses ng isang female talent na kausap nina Alessandra at Ivan sa cellphone, dalawa­ lang ang karakter ng 12 mula umpisa­ hanggang katapusan.

Si Alessandra ang bida, sumulat ng script, co-produ­cer at kumanta ng theme song ng 12 pero nagtagumpay siya dahil nagustuhan ang pelikula na pinalakpakan ng audience na karamihan ay millennial at mga estud­yante ng UP.

Dati nang magaling na artista si Alessandra pero umangat nang husto ang acting ability niya sa kanyang effortless acting sa 12.

Tagos sa puso at makatotohanan ang mga dialogue ng mga karakter kaya nagkaroon kami ng hinala na ha­ngo sa tunay na buhay o posibleng personal na karanasan ni Alessandra ang kuwento ng 12 dahil hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon siya ng karelasyon na ‘di umano, may ­anger management problem.

Kilala si Alessandra bilang aktres pero may talent siya sa pagkanta at mapapatuna­yan ito sa Twelve, ang theme song ng 12 na isinulat at inawit niya, sa tulong ng kanyang boyfriend na si Marc Abaya.

Tiyak na marami ang makaka-relate sa kuwento at mga eksena­ ng 12, lalo na ang mga magkakarelasyon na may mga pinagdaraanan na problema ang pagsasama dahil pagkatapos panoorin ang pelikula nina Alessandra at Ivan, ang kanilang choi-ce­­ at desis­yon ang masusunod kung bibigyan pa nila ng se­cond  chance ang isa’t isa.