Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Employers group hinirit Ivermectin sa FDA

0 417

Umapela ang isang grupo ng mga negosyante sa Food and Drug Administration (FDA) para ikonsidera ang Ivermectin bilang gamot laban sa COVID-19.

Ito’y matapos na mag-isyu ng compassionate special permit ang FDA upang magamit ng isang pasyenteng nakaratay sa ospital.

“Payag na nga sila sa isang hospital na puwedeng gamitin, e di ibig sabihin puwede. Eh bakit binibigyan pa ng red tape eh maraming namamatay na Pilipino,” ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luiz Jr. sa isang panayam sa radyo nitong Sabado.

Kinuwestyon pa ni Luiz kung bakit hindi pa aprubahan ng FDA ang paggamit ng Ivermectin samantalang marami na aniyang doktor ang humihiling na magreseta nito.

Ayon kay Luiz, kinokonsidera nilang gamitin ang Ivermectin para sa kanilang mga empleyado kapag inaprubahan ng FDA ang paggamit nito dahil mas mura aniya ito kaysa ibang gamot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.