Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Empleyado ng Tuguegarao niratrat sa talipapa

0 102

Patay ang empleyado ng local government unit (LGU) ng Tuguegarao City matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nakikipag-usap ito sa talipapa sa nasabing lungsod noong Martes.

Dead on the spot sanhi ng tinamong apat na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang katawan ang biktimang si Gerero Matammu, 57-anyos at residente ng Arellano Extension, Tuguegarao City.

Sa ulat ni Tuguegarao City chief of police Lt. Col. Edith Narag, nakikipag-usap umano ang biktima sa kanyang pinsan sa talipapa sa Bassig St., Ugac Norte ng lungsod ng lumapit ang isang lalaki na armado ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at ilang ulit itong pinaputukan bandang alas-8:20 ng gabi.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek sakay ng isang kulay itim na motorsiklo palayo ng lugar. Tinutukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek at motibo sa krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.