Una sa Balita

Empleyado ng Toyota nag-suicide dahil sa toxic boss

0 428

DAPAT bigyan ng compensation ang pamilya ng Toyota worker na nag-suicide matapos ilang ulit na insultuhin at i-harass ng kanyang boss, ayon sa mga awtoridad.

Ito ang pasya noong Setyembre 2019 ng isang regional labor bureau sa Tokyo, Japan matapos mag-suicide ang isang 28-anyos na ‘di pinangalanang worker­ ng Toyota Motor Corp. noong 2017. Hindi agad nilalantad ang mga hatol sa Japan tungkol sa mga ganitong kaso.

Ayon sa abogado ng pamilya ng biktima, si Yoshihide Tachino, ilang beses tinawag na tanga ang Toyota worker ng kanyang boss sa Toyota City, Aichi, Japan at sinabihang dapat na siyang mamatay.

Ayon naman sa imbes­tigasyon sa kaso, inu­utusan din ng boss na ‘wag mag-off ang worker at ininsulto ang huli dahil hindi kilala ang kanyang paaralan noong kolehiyo.

Ang ‘power harassment’ na ito ay maitutu­ring na job-related death, ayon sa pasya ng bureau.

Kinilala naman ng Toyota Motor Corp. ang pasya ng bureau nitong Martes at sinabing nakikiramay sila sa namatay nilang worker, at umaasa silang mapigilan ang pag-ulit ng mga ganitong kaso in the future. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy