Una sa Balita

Empleyado ng prov’l government ng Romblon huli sa marijuana

By
0 218

ARESTADO ang isang empleyado ng Romblon provincial go­vernment matapos mahulihan ng aabot sa halos isang kilo ng mga pinatuyong dahon ng marijuana sa kanyang bahay noong Huwebes ng madaling-araw sa Romblon, Romblon.

Kinilala ang suspek na si Bryan Neil Lim, 40-anyos, residente ng Quezon St., Brgy. 3, Poblacion, Romblon, Romblon.

Sa bisa ng isang search warrant na nilabas ng korte para kay Lim, ikinasa ang ope­rasyon ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station, PDEA Romblon Provincial Office, at ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Romblon Police Provincial Office.

Ayon kay Police Senior Inspector Gemie Mallen, pagpasok pa lang nila sa bahay ni Lim ay nakakita agad sila ng mga pinatu­yong dahon ng marijuana na nakalagay lang sa lamesa at isang ice chest.