Una sa Balita

Empleyado ng hardware pinasabog ang bungo

0 377

TODAS ang 34-anyos na empleyado ng hardware matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikila­lang gunman sa harap ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Lucena City kamakalawa.

Kinilala ng Lucena City Police ang biktima na si Roberto Aldon Jr, isa sa mga team ­lea­der ng Citi Hardware-Lucena.

Batay sa ulat mula sa pulisya, kalalabas pa lamang ng biktima at naglalakad papunta sa kanilang staff house sa harap ng naturang hardware sa Maharlika highway, Barangay Ilayang Iyam nang barilin ito ng nag-aabang na gunman alas-6:20 Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga nakasaksi, isang nasa edad 30-anyos na lalaki na nakasuot ng baseball cap at may dalang backpack ang malapitang bumaril kay Aldon.

Nagtamo ang biktima ng tama sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Tumakas naman ang suspek na naglakad lamang papalayo.

Patuloy pang iniim­bestigahan ng mga pulis ang pangyayari at ina­alam kung ano ang mo­tibo at kung sino ang suspek. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More