Una sa Balita

Empleyado ng fast food pinarangalan sa katapatan

0 549

PINAPURIHAN ni Mabalacat City Mayor­ Crisostomo Garbo ang isang service crew ng fast food chain sa Brgy. Dau sa kanyang katapatan.

Sa ginanap na flag-raising ceremony­ sa Xevera, Tabun sa Mabalacat City, iginawad ng alkalde kay James Micheal Quito ang certificate of recognition sa kanyang mabuting ginawa.

Ibinalik ni Quito ang nakitang mahahalagang kagamitan na naiwan ng Amerikanong si Jason Mclean at ng kanyang pamilya, sa loob ng pinagtatrabahuang tindahan.

Pinasalamatan din ni Garbo ang management ng establisimyento dahil sa mga empleyadong tapat at maaasahan.