Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Empleyado ng city hall timbog sa red tape

0 171

Nalambat ng mga tauhan ng Intel-Pasig Police ang isang business licensing inspector ng Pasig City Hall habang nakatakas ang kasabwat nito sa entrapment operation kamakalawa sa Pasig City.

Kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9485 o Anti-Red Tape Act, Anti-Graft and Corrupt Practices and Code of Conduct and Ethical Standards ang suspek na si Rannie Galang, 33. Pinaghahanap naman ang kasabwat nitong si Kevin Hancel Siat, empleyado ng Pasig city hall.

Naganap ang entrapment operation nang magreklamo si Mary Rose Ruiz, negosyante, nang hingan umano siya ng mga suspek ng P8K kapalit ng maayos na business permit sa Pasig City Business Permit and Licensing Office.

Ayon sa biktima, nagkaroon umano ng delinquent business permit ang pangalan ng business partner niyang si Luzviminda Gallardo kaya malabo silang magkaroon ng business permit pero kung magbabayad sila ay maaayos ito.

Agad na bumuo ng entrapment operation at nahuli si Galang. Nakatakas si Siat nang makatunog na may pulis sa kanilang likuran habang nagbabayaran.

Nakumpiska mula sa suspek ang 7 piraso ng P1,000 bills boodle money at isang Huawei cellphone. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.