Una sa Balita

Empleyado ng city hall, dating pulis, SK kagawad timbog sa buy-bust

By
0 765

ARESTADO ang apat na katao, kabilang ang isang government employee ng Bacoor City, Cavite, dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) at isang incumbent SK kagawad sa isina­gawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 ang isinampang kaso laban kina Elino Calara, alyas ‘Jun’, 50, binata, isang government employee ng 254 Tramo St., Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite; Jerome Canlea, 32, binata, AWOL na pulis ng Lot 58 Blk 12, Tagaytay Heights, Kaybagal South, Tagaytay City, Cavite; Eric Navas, 21, isang SK kagawad ng 441 Looban St., Brgy. Banalo, Bacoor City, Cavite; Jayson Guilas, 35, binata, ng 239 Tramo St., Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite at Federicko Felizardo, ng Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni SPO1 Christian Rosales ng Bacoor City Police Station, dakong alas-11:45 kamakalawa nang gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite kung saan magkakutsabang nakipag-deal sina Calara, Guilas, Navas at Felizardo sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa 3 maliban kay Felizardo na nakatakas.

Naaresto naman si Canlea habang humihithit ng shabu sa loob ng bahay ni Guilas na ginaga­wang drug den.

Narekober sa mga suspek ang hinihinalang 5.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P35,360, mga shabu, aluminum foil, improvised galls tooter, gunting, lighter at marked money.

Kabilang si Canlea sa drug watch list ng Bacoor City police, dati itong pulis na nakata­laga sa Camarines Norte PPO; si Calara ay empleyado ng Bacoor Government Center ng Bacoor City, Cavite habang si Navas ay isang incumbent SK kagawad sa Brgy. Banalo, Bacoor City, Cavite.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy