Una sa Balita

Empleyado naaksidente, sinibak sa trabaho ng Puregold

By
0 844

Abot-abot ang sama ng loob ng isang empleyado matapos maaksidente ay tinanggal pa sa trabaho ng branch manager ng Puregold, Malate Branch sa Maynila.

Ayon kay Denjie Talagsa, naaksidente siya pero tiniis niyang hindi umasa ng tulong sa Puregold, Malate sa kabila na siya ay naka-duty noong panahon na iyon dahil gusto niyang makabalik lang sa trabaho.

Nabatid na naaksidente sa motorsiklo ang biktima at nagkaroon ng pinsala ang kanyang ulo at napilayan ang kanyang kanang binti dahilan para ito’y sementuhan ng doktor.

Sa halip na tulungan ng kanilang branch manager na si Irene Yaneza dahil siya ay naaksidente sa panahon na siya ay naka-duty ay tatanggalin pa umano siya sa trabaho nang walang basehan.

Sinabi pa ni Denjie na pinapaako pa ni Yaneza sa kanyang coordinator ang pagtanggal sa kanya.

Gusto umano ni Denjie na matanggal rin sa trabaho si Yaneza at hindi para ilipat lang sa ibang branch ng Puregold.

Sinikap ng Abante na hingin ang panig ng Puregold pero hindi pa sumasagot habang sinusulat ang balitang ito.