Una sa Balita

Empleyada, sekyu ng San Miguel-Purefoods sa Laguna niratrat

By
0 822

NASAWI ang isang empleyada at security guard sa pamamaril ng mga hindi nakila­lang suspek sa harap ng kanilang tanggapan sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni Superintendent Joselito de Sesto, hepe ng Calamba police ang mga nasawi na sina Anna Catherine de Ocampo, 34-anyos, empleyado ng San Miguel-Purefoods Calamba office at ang security guard na may apel­yidong Cierto.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba police, bandang alas-11:35 nang gabi, nakatayo sa harap ng gate ng building ng Hi-Precision Diagnostics kungsaan naroon ang opisina ng San Miguel ang biktimang si De Ocampo nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang mga suspek.

Sasaklolo sana ang security guard ng buil­ding subalit maging ito ay niratrat. Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang baha­gi ng katawan ang da­lawa at kapwa namatay noon din.

Blangko pa naman ang mga awtoridad sa motibo nang pamamaril.