Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Empleyada binosohan habang naliligo sa opisina

0 280

Isang 32-anyos na lalaki ang dinakip ng pulisya nang mabistong ito ang may-ari ng cellphone na ginamit sa pamboboso sa naliligong kasamahang babae sa Barangay Pantoc, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, Chief of Police ng Meycauayan City Police Station ang naarestong si Andrew Valencia, 32, nakadetine ngayon matapos mabistong ito ang may-ari ng nakatagong cellphone at vinideohan ang babaeng empleyada ng kumpanya habang naliligo sa kubeta ng pinapasukang kumpanya.

SM food to go Banner Ad

Aksidenteng napansin ng di pinangalanang biktima ang butas na pinaglagyan ng cellphone habang naliligo. Kanya itong inusisa at nakitang nakarekord sa cellphone na pag-aari ng suspek ang ibat ibang video sa loob mismo ng shower room.

Kaagad nagsumbong ang biktima sa awtoridad kaya nadakip ang suspek. (Jun Borlongan)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.